^

Metro

Hepe ng MPD Station 4, sinibak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng MPD Station 4, sinibak
Samantala, pumalit naman bilang hepe ng MPD Station 9 si Supt. Bobby Ganipac, dating nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) habang pu-malit sa kaniya sa puwesto si Supt. Carlito Grijaldo.
Edd Gumban

Sa tauhang nang-rape sa 15-anyos dalagita

MANILA, Philippines — Tinanggal sa puwesto  ang hepe ng Station 4 ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagkakasangkot sa reklamong rape sa 15-anyos na dalagita ng isa niyang tauhan kasunod ng pag-aresto sa mga magulang dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Batay sa Special Orders No. 760 na may petsang Nobyembre 1, 2018 at pirmado ni Senior Supt. Danilo Macerin, hepe ng District Directorial Staff, pinalitan si Supt. Andrew Aguirre ni Supt. Robert Domingo na dating nakatalaga sa MPD-Station 9.

Samantala, pumalit naman bilang hepe ng MPD Station 9 si Supt. Bobby Ganipac, dating nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) habang pu-malit sa kaniya sa puwesto si Supt. Carlito Grijaldo.

Sinabi naman ni MPD director, Chief Supt. Rolando Anduyan na hindi sa isyu ng ‘command responsibility’ kaya nasibak si Supt. Aguirre kundi may katapat na sus-pensiyon ito bilang hepe ng MPD-Station 4 dahil sa kina-kaharap na reklamong rape ni PO1 Eduardo Valencia.

Nilinaw pa ni Anduyan na mali ang sabihin na ‘command responsibility’ kaya siya nasibak dahil sa Philippine National Police (PNP) ay wala namang batas na ipinatutupad ukol dito bagkus ay sa military o Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang isyu aniya dito ay ‘accountability’ bilang hepe ng command.

Ayon naman sa pamilya ni PO1 Valencia, maghahain sila ng waiver sa Manila Prosecutor’s Office para sa isang preliminary investigation upang makapaghain ng paliwanag at marinig ang kanilang panig patungkol sa alegasyon ng complainant.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with