^

Metro

Kalsadang naapektuhan ng ‘gas leak’ sa Makati, binuksan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kalsadang naapektuhan ng �gas leak� sa Makati, binuksan na
Nagsagawa ang BFP ng ‘water flushing’ sa bisinidad para matanggal ang kemikal habang kinordon naman ang kalsada upang mailayo sa posibleng panganib ang publiko.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Bukas na sa mga moto­rista at publiko ang isang kalsa­da sa lungsod ng Makati na ipina­sara kamakailan dahil sa nangyaring ‘gas leak’ mula sa isang gasolinahan makaraang matagumpay na malinis ito ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Inihayag ng BFP na ‘clear’ na sa ‘explosive gases’ ang Evangelista St. sa Brgy. Bangkal ng naturang lungsod makaraang unang ma-monitor ang mapanganib na gas nitong nakaraang Huwebes.

Nagsagawa ang BFP ng ‘water flushing’ sa bisinidad para matanggal ang kemikal habang kinordon naman ang kalsada upang mailayo sa posibleng panganib ang publiko.

Sa pinakahuling gas mo-nitoring test ng BFP sa mga kanal sa lugar, lumabas na nasa ‘zero’ (0) na ang antas ng ‘lower explosive limit (LEL)’.  Una nang nakapagtala ng 96 porsyen- tong LEL level sa naturang lugar dahil sa deposito ng diesel.

Samantala, bumalik na rin sa operasyon ang ibang mga establisyimento na malapit sa Phoenix gas station sa natu-rang lugar.  Mananatili naman ang Phoenix gas station na nakasarado habang hinihintay ang resulta ng ‘gravity and pressure tests’.

Una namang inihayag ng Phoenix Petroleum na handa silang makipagtulungan sa mga awtoridad sa imbestigasyon habang iginiit na ang pangyayari ay isang “isolated case” lamang.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with