^

Metro

‘Senior’ na trike driver, todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Senior� na trike driver,  todas sa tandem

MANILA, Philippines — Isang senior citizen na tricycle driver ang nasawi ma-tapos pagbabarilin ng ‘di pa na­tutukoy na riding-in-tandem habang namamasada sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga otoridad ang napaslang na biktima na si Ernesto Osorio, 60-anyos, may-asawa at nakatira sa Maligaya Park, Brgy. 177, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:45 ng gabi nang madiskubre ang ginawang pamamaslang kay Osorio na natagpuang nakasalampak sa kanyang trike at tigmak sa sarili nitong dugo sa Oval St, Sampaguita, ng naturang barangay.

Sa salaysay ng isang residente sa lugar na si Jane Eslopor, kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kanyang bahay nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril sa ‘di kalayuan kung saan makalipas ang ilang sandali, kasama ang ilan pang residente ay tinungo nila ang pinanggalingan ng mga putok at dito na nila nadiskubre ang biktima.

Sa pagtatanong ng otoridad sa mga residente sa lugar, dalawang lalaki umano na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktima saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with