MRT-3 gagawing brand new ng DOTr
MANILA, Philippines — Plano ng pamunuan ng Department of Transportation na gawing brand new ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, sa Nobyembre 7, 2018 ay nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at Japan ang loan agreement na nagkakahalaga ng P18-bilyon para isasailalim na Rehabilitasyon ng MRT-3.
Aniya, magmimistulang brand new ang MRT-3 sa oras na matapos ang rehabilitasyon nito.
Inihayag pa ni Batan, babalik ang Sumitomo-Mitsubushi Heavy Industries bilang maintenance contractor ng MRT-3 kapag natapos na ang rehabilitasyon nito.
Nabatid na ang Sumitomo ang siyang designer at builder ng naturang railway system.
Sakop ng gagawing rehabilitasyon ang pagsasaayos sa mga tren, radio system, CCTV, signalling system, power supply, at public address system.
Maging ang rail tracks, road rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators, at iba pang station-building equipment ay kabilang sa rehabilitasyon.
Tatagal ng 41 buwan ang rehabilitasyon, 31 buwan dito ay para sa simultaneous rehabilitation at maintenance works habang ang 12 buwan naman ay “defect liability period” ng contractor.
Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa, mula sa North Avenue, Quezon City patungo Edsa Pasay City at vice versa.
- Latest