^

Metro

Pasahero, nakumpiskahan ng 16 na bala ng M-16

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasahero, nakumpiskahan ng 16 na bala ng M-16
Kinukwestyon nina NCRPO Director Guillermo Eleazar kasama si QCPD Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ng QCPD ang nadakip na pasahero na si Bryan Bagazala na nahulihan ng 16 na bala ng M-16 rifle sa Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City.
(Kuha ni Michael Varcas)

Sa bus terminal sa Cubao

MANILA, Philippines — Hindi na nakarating sa kanyang destinasyon ang isang lalaking pasahero matapos na makumpiskahan ng mga bala sa kanyang bagahe sa   bus terminal sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Law on Firearms, ang suspek na si Bryan Bagazala, 35, residente ng Tanay, Rizal, matapos makumpiskahan ng 16 live ammunition ng M-16 rifle.

Lumilitaw na dakong alas-7:30 ng umaga ay pasakay ng isang bus sa Araneta Cubao Bus Terminal, sa Times Square Avenue, malapit sa kanto ng Gen. Mc. Arthur Avenue, Araneta Center, ang suspek nang madiskubre ng guwardiyang si Sherwin Soriano ang mga bala sa dala niyang travelling bag na kulay itim at pula.

Kaagad namang humingi ng tulong ang guwardiya mula sa mga naka-duty na police officers na nagbabantay ng Police Assistance Desk (PAD), na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

Ikinakatwiran naman ng suspek na gagamiting amulet ang mga dala niyang bala.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Cubao Police Station (PS 7) ang suspek para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.

vuukle comment

BUS TERMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with