^

Metro

Sigalot sa LTFRB tumitindi: Lizada, staff ni Delgra nagkasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sigalot sa LTFRB tumitindi: Lizada, staff ni Delgra nagkasuhan sa Ombudsman
Ito ay dahil kinasuhan ng tatlong tauhan ni Delgra sa Office of the Ombudsman si Lizada ng malicious mischief, oral defamation, abuse of authority, at grave misconduct.
File Photo

MANILA, Philippines — Patuloy na tumitindi ang sigalot sa pagitan nina LTFRB board member Aileen Lizada at mga tauhan ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

Ito ay dahil kinasuhan ng tatlong tauhan ni Delgra sa Office of the Ombudsman  si Lizada ng malicious mischief, oral defamation, abuse of authority, at grave misconduct.

Nag-ugat ang reklamo ng chief of staff ni  Delgra na si  Manolo Labor kasama sina  Nikki Gener at Martin Afante nang unang kasuhan ang mga ito ni Lizada sa Ombudsman  ng kasong insubordination, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service.

Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig nang noo’y magpalabas ang LTFRB ng desisyon tungkol sa pag-apruba sa P2.50 taas singil sa pasahe sa Region 6. Nang ipalabas ang desisyon ng LTFRB dito, nakapirma si Delgra at board member na si Ronaldo Corpus at hindi nakapirma si Lizada.

Sabi ni Lizada, nagsabwatan ang tatlong tauhan ni Delgra nang madaling ipalabas ang desisyon sa naturang pasahe kahit  wala pa siyang pirma  dito.

Niliwanag naman ng tatlo na agad naipalabas ang kautusan sa fare hike sa utos sa kanila ni Delgra para maihanda na rin ito para sa kapakanan ng media.

Anila, tauhan pa nga ni Lizada ang tumulong kay Gener at Afante  para makakuha ng kopya ng order sa opisina ni Lizada pero inakusahan sila ng huli na magnanakaw at   pinagalitan ni Lizada si Gener  at inakusahan ng kawalang respeto dito.

Sinasabing si Delgra at Lizada ay  palagiang hindi nagkakasundo sa mga naipalalabas na desisyon sa LTFRB partikular noong itaas ang pasahe sa jeep at bus at ang hindi pagkakaintindihan ng mga ito ang  umano’y rason kung bakit umayaw na si Lizada na maging spokesperson ng LTFRB.

vuukle comment

AILEEN LIZADA

MARTIN DELGRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with