Walang pag-apaw sa supply ng shabu sa bansa -- Albayalde
MANILA, Philippines — Walang oversupply o sobra-sobrang supply ng shabu sa bansa kaya bumaba ang presyo nito sa merkado.
Ito ang inihayag kaha-pon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde taliwas naman sa ibinulgar ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dahilan sa sobra-sobrang supply ng shabu na nakapasok sa bansa lalo na sa Metro Manila ay bumaba ang bentahan nito.
Ang shabu kada isang kilo ay nagkakahalaga ng P5M kung saan bagsak presyo na umano ito.
Sinabi ni Albayalde na base sa isinasagawang operasyon ng kanilang mga anti-drug operatives ang nakukumpiskang droga partikular na ang shabu at presyo nito ay pareho pa rin sa mga nagdaang bentahan.
“I cannot second guess the PDEA on how they obtained that statistics. As per experience, we do not know, we cannot validate it as of this time if the price indeed decreased or there is an overflow of supply of drugs especially here in Metro Manila,” anang PNP Chief.
- Latest