^

Metro

Guidelines inilabas ng Manila North Cemetery para sa Undas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagpaalala ang  pamunuan ng Manila North Cemetery sa publiko na may kaanak na bibisitahin ngayong Undas na may pamantayan para sa paglilinis at pagpipintura ng mga puntod.

Pinapayagan lamang na makapasok ang mga maglilinis at magpipintura hanggang Oktrubre 29.

Ibinabawal din ang pagsusunog ng mga nakolektang basura at sa halip ay dapat na itapon ng maayos sa mga basurahan.

Sa mga maglilibing, hanggang Oktubre 29 na lamang dahil hindi na papayagan na papasukin ang mga sasakyan at paglilibing simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2.

Sa Nobyembre 1 naman ang Gate 2 at 3 ng sementeryo sa A. Bonifacio Avenue ay bubuksan simula alas-10:00 ng umaga, ngunit maaari lamang itong gamitin ng mga taong papalabas ng sementeryo. Tulad ng dati, dapat ay huwag nang tangkain na magdala ng mga matutulis at matatalim na bagay sa pagbisita sa sementeryo upang hindi na kumpiskahan.

Bukod sa mga armas at patalim, bawal din ang mga flammable materials gaya ng lighter, thinner, alcohol at gas at bawal din ang pagdadala ng mga alagang hayop, sound system, alak at iba pang nakalalasing na inumin at mga gamit sa pagsusugal.

Inaasahan naman ang seguridad na ilalatag ng Manila Police District at  volunteer groups at iba pang health at medical groups para sa mga emergency.

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with