^

Metro

2 miyembro ng ‘Estribo Gang,’ bulagta sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng �Estribo Gang,� bulagta sa shootout
Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa dalawa na inilarawan ang isa na nasa gulang na 50-anyos, may taas na 5’4,” katamtaman ang laki ng pangangatawan, maputi, at nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon, at pulang helmet, habang ang isa pa ay nasa kanyang early 40’s, may taas na 5’7,” payat, maputi, at nakasuot ng abu­hing t-shirt, shorts at tsinelas.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang sinasabing miyembro ng ‘Estribo Gang’ ang nasawi nang maka-engkwentro ang mga pulis na sisita sana sa kanila sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa dalawa na inilarawan ang isa  na nasa gulang na 50-anyos, may taas na 5’4,” katamtaman ang laki ng pangangatawan, maputi, at nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon, at pulang helmet, habang ang isa pa ay nasa kanyang early 40’s, may taas na 5’7,” payat, maputi, at nakasuot ng abu­hing t-shirt, shorts at tsinelas.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong ala-1:05 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa Aurora Boulevard sa Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap ang Quezon City-Criminal Investigation and Detection Group (QC-CIDG), sa pangu­nguna ni P/Chief Insp. Joey Cais, ng sumbong mula sa isang concerned citizen, hinggil sa presensiya ng apat na armadong lalaki sa Aurora Boulevard, na tila naghahanap ng mabibiktima.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng QC-CIDG ngunit nang mapuna ng mga suspek ang kanilang presensiya ay kaagad nang nagbunot ng baril ang mga ito at nagpaputok sa mga operatiba.

Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad at napatay ang dalawang suspek, ngunit nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan, sakay ng isang hindi naplakahang motorsiklo.

Nakarekober ang mga awtoridad mula sa mga suspek ng dalawang caliber .38 Smith and Wesson revolvers na may mga bala at tatlong pakete ng shabu.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with