Estudyanteng drug dealer, timbog sa P3.4-M shabu
MANILA, Philippines — Isang pinaniniwalaang drug dealer ang nadakip kung saan nasamsam dito ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Malate, Manila kamakalawa.
Kinilala ni PDEA Special Enforcement Service (SES) director Levi Ortiz ang nadakip na suspect na si Salahudin Kendayo, na natunton sa roof deck ng isang mall sa Padre Faura St. sa Maynila.
Dinakip si Kendayo matapos itong magbenta ng shabu sa undercover operative sa halagang P1.5 milyon. Nasa 500 gramo ng shabu ang narekober dito.
Si Kendayo na residente ng Baseco Compound ay second year college student.
Base sa record nauna na siyang nadakip sa Tondo dahil din sa illegal drugs pero nakalaya noong Mayo 2018 matapos magpiyansa.
- Latest