^

Metro

Team JOY sa QC, kumpleto na ang line-up

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Team JOY sa QC, kumpleto na ang line-up
Sinamahan at sinuportahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang mga kakandidatong konsehal sa lungsod mula sa District 1 hanggang district 6 na naghain ng kanilang COC sa ilalim ng ‘Team JOY’.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dinagsa ng mga kandidato na nagnanais tumakbo sa 2019 polls ang tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) sa Quezon City sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) kahapon.

Sinamahan at sinuportahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang mga kakandidatong konsehal sa lungsod mula sa District 1 hanggang district 6 na naghain ng kanilang COC sa ilalim ng ‘Team JOY’.

“Kumpleto na kami, nag- file na lahat  ng mga kasama ko sa line-up dito sa QC, handa na kami for elections  at may mga plans and programs na kami para sa kapakanan ng mga taga-lungsod”, pahayag ni Belmonte.  

Sinuportahan din ni Belmonte ang mga tatakbo sa congressional seat  sa QC  na si Councilor Beth Delarmente na tatakbong Rep. ng District 1, Councilor Precious Hipolito tatakbong Rep. sa District 2,  kumakandidato  sa pagka-kongresista sa  District 4 si dating Councilor Bong Suntay , District 5 tatakbo ulit sa pagka-kongresista si Rep. Alfred Vargas at District 6 si incumbent Rep. Kit Belmonte.

Una nang naghain ng kandidatura noong unang araw ng filing sina  Belmonte na tatakbo bilang Mayor at ang ka-tandem nito na si Councilor Gian Sotto sa pagka-Vice Mayor. 

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTION

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with