^

Metro

4 ‘mata’ ng PDEA tumanggap ng P7.563 milyong pabuya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 �mata� ng  PDEA tumanggap  ng P7.563 milyong pabuya
Ang pagbibigay ng rewards at incentives ng PDEA ay lalo pang pinalakas sa ilalim ng programang “Operation Private Eye”, upang makapagbigay ng aktibong partisipasyon ang publiko na ireport ang illegal drug activities sa kani-kanilang nasasakupan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Apat na inpormante ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang binigyan ng P7.563 milyong reward dahil sa kanilang pagbibigay ng positibong impormasyon na nagresulta ng pagkakadakip sa mga talamak na ‘tulak’ ng droga at pagkakakumpiska ng malaking volume ng shabu sa bansa.

Ang pagbibigay ng rewards at incentives ng  PDEA ay lalo pang pinalakas sa ilalim ng programang “Operation Private Eye”, upang makapagbigay ng aktibong partisipasyon ang publiko na ireport ang illegal drug activities sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang apat na tumanggap ng  cash rewards kahapon sa PDEA National Headquarters sa Quezon City ay kinilala sa mga alyas na ‘PEKKA’ na tumanggap ng P2-milyon dahil sa kanyang ibinigay na impormasyon na nagresulta sa pagkakasabat ng 22.522 liters ng  liquid shabu; 252.926304 kilogram ng pseudoephedrine, 109.428 grams ng  ephedrine at pagkaka-aresto ng Chinese personality sa isi­nagawang raid noong May 30, 2017 sa Caroline Street, Quirino Highway, Baesa, Quezon City.

Ang informant  na si ‘Milo’ ay binigyan din ng P2-milyon dahil sa kanyang ibinigay ng impormasyon  sa PDEA na nagresulta ng pagkakakumpiska ng 49,831.70 gramo ng shabu at pagkakadakip din ng isang Chinese national  sa 2nd Level Parking, Red Planet Hotel, ASEANA, Lot 38, Block 2, Bradco Avenue, Barangay Baclaran, Parañaque City noong  June 3, 2017.

Ang impormante na si  ‘Rod’ ay tumanggap ng P2-milyon dahil sa pagkakasabat sa  71,205.70 ng shabu  at pagkakadakip sa Chinese personality sa implementation ng  search warrant sa Unit B Lot 

5, Block 3, Tiongquiao Street, BF Martinville Subdivision, Barangay Manuyo, Las Piñas City noong July 13, 2017.

Habang ang ika-apat na informant na si  ‘Koolet’ ay binigyan ng P1.563 milyon dahil sa pagbibigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakabawi ng PDEA sa P23,996 na gramo ng droga ay pagkakadakip ng dalawang drug personalities sa isinagawang  buy-bust operation sa    Interior 21, Pasig Line, Brgy. 778, Zone 85, Sta. Ana, Manila noong  June 12, 2018.

Ang Private Eye Rewards Committee ay kinabibila­ngan ng mga miyembro ng academe, non-government organizations, law enforcement, religious at business sectors.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with