^

Metro

MRT-3, maagang tumirik; 850 pasahero, pinababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, maagang tumirik; 850 pasahero, pinababa
Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-6:23 ng umaga nang magkaroon ng problema sa daloy ng kuryente sa isang tren sa southbound ng Guadalupe station.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maagang tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kung saan pinababa ang may 850 pasahero dahil sa pagkakaroon ng electrical failure sa bahagi ng Makati City, kahapon umaga.  

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-6:23 ng umaga nang magkaroon ng problema sa daloy ng kuryente sa isang  tren sa southbound ng Guadalupe station.

Dahil dito, pinababa ang mga pasahero upang mahila ang train sa kanilang depot at makumpuni.

Kaagad din namang naisakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pa­sahero, matapos ang may 9-minuto.

Humingi agad  ng paumanhin ang pamunuan ng DOTr-MRT-3 sa mga pa­saherong naapektuhan ng aberya.

Paliwanag nila, dumanas ng electrical failure ang tren dahil sa mga luma at pal­yadong sub-components nito.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with