^

Metro

P3.2-M halaga ng marijuana, nasamsam sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P3.2-M halaga ng marijuana,  nasamsam sa buy-bust
Prinisinta ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar kasama si QCPD director Joselito Esquivel Jr. ang nasamsam na 27 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.2 milyon matapos ang isinagawang buy-bust operation sa isang apartment sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City.
(Kuha ni Miguel de Guzman)

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P3.2 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga pulis mula sa drug suspect na kanilang naaresto sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jomel Bernas, 26, ng Brgy. Batasan Hills.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)- Batasan Police Station (PS-6), dakong alas-10:00 ng gabi nang magkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek sa Ilang-ilang Extension, Area A, Brgy. Payatas.

 Nakabili ang mga awto­ridad ng P500 halaga ng marijuana mula sa suspek kaya’t dinakip ito.

Inamin naman ni Bernas ang illegal na aktibidad at itinuro na marami pa siyang suplay ng illegal na droga sa kanyang apartment sa Lupang Biyaya Compound, sa Brgy.  Greater Fairview.

Nagtungo ang mga pulis sa lugar at dito na nila nakumpiska ang may 27 kilo ng bloke-bloke at nakapaketeng marijuana na may street value na P3.2 milyon na  na­kasilid sa dalawang travelling bags.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Eleazar, malaki ang posibilidad na malawak ang operasyon ng suspek at bultu-bulto kung kumuha sa kanya ng kontrabando ang kanyang mga parokyano.

 “Meron siya ditong mga aso na inaalagaan at kung meron mang naghalong amoy, hindi malalaman,” ani Eleazar. “Meron siyang mga parokyano na kumukuha rito na hindi naman tingi-tingi pero bultuhan.”

 Aminado naman ang suspek na sangkot ito sa pagtutulak ng illegal na droga, ngunit ikinatwirang napilitan siyang gawin ito dahil sa labis na hirap ng buhay.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with