^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 holdaper bulagta sa shootout
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Direc­tor P/Chief Supt. Joselito Esqui­vel, Jr., inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek, na kapwa inilarawang nakasuot ng long sleeves, na ang isa ay kulay itim at ang isa naman ay pula.

MANILA, Philippines — Patay ang riding-in-tandem na holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. San Antonio, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Direc­tor P/Chief Supt. Joselito Esqui­vel, Jr., inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek, na kapwa inilarawang nakasuot ng long sleeves, na ang isa ay kulay itim at ang isa naman ay pula.

Batay sa ulat ng Masambong Police Station 2 (PS-2), dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa West Riverside St. kanto ng San Jose St., sa naturang barangay.

Sa salaysay ng complai-nant na si Marilyn Gonzales, 62, ng Malolos, Bulacan, nabatid na naghihintay lamang siya ng masasakyan pauwi sa naturang lugar nang bigla siyang hintuan ng mga suspek.

 Bumaba umano ang back rider at tinutukan ng patalim ang biktima at saka nagdeklara ng holdap. Nang matangay ang mahahalagang gamit ng biktima ay mabilis nang tumakas ang mga suspek patungo sa area ng Muñoz.

Ayon kay P/Supt. Rodri­go Soriano, commander ng QCPD-PS-2, nagkataon na­mang nagpapatrulya sa naturang lugar ang kanyang mga tauhan at napansin ang biktima. Nagawa naman umano ng biktima na maituro kung saan tumakas ang mga suspek kaya’t hinabol ang mga ito.

Nakorner ng mga pulis ang mga suspek ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban pa ang mga ito, kaya’t napa­tay sa isang shootout. Narekober ng mga awto­ridad mula sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver, isang kalibre .357 revolver, isang helmet na puti na may guhit na itim at isang unit ng motorsiklo na kulay asul at puti at walang plaka.

vuukle comment

CRIME

SHOOTINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with