^

Metro

Gusali sa Bilibid, nasunog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Gusali sa Bilibid, nasunog
Halos natupok ang buong gusali na imbakan ng mga tuyong kugon na ginagawang dekorasyon ng mga preso.

MANILA, Philippines — Nilamon ng apoy ang   isang bahagi ng gusali ng Medium Security Compound ng  New Bilibid Prison (NBP) sa halos limang oras na sunog na umabot sa ikaapat na  alarma sa Muntinlupa City, kahapon  ng madaling araw.

Lumalabas sa report ng Muntinlupa City Bureau of  Fire Protection alas-3:30 ka­ha­pon ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa imba­kan ng mga Korean han­di­craft na matatagpuan sa Samsung Building.

Halos natupok ang buong gusali na imbakan ng mga tuyong kugon na ginagawang dekorasyon ng mga preso.

Nabatid na umabot sa ikaapat na alarma ang sunog hanggang sa tumagal ito ng halos limang oras at mag-alas-8:00 na ng umaga nang ideklara itong fire-out. Napag-alaman na malayo naman sa kulungan ng mga preso ang nasunog na gusali, kung kaya’t wala namang nadamay dito.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente.

vuukle comment

FIRE

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with