^

Metro

Kano timbog sa P30-M ‘kush’

Romina Cabrera - Pilipino Star Ngayon
Kano timbog sa P30-M �kush�
Katabi ng isang PDEA agent, nahihiyang nagtakip ng tela sa mukha ang suspek na US national na si Paul Sohn alyas ‘Danny Lim’ habang sinusuri naman ng isa pang ahente ng PDEA ang mga nasamsam na ‘Kush’ o high grade marijuana sa tahanan nito na tinatayang nasa P30-milyon ang halaga.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Timbog sa mga otoridad ang isang US national matapos salakayin ang tahanan nito at makumpis­kahan ng nasa P30-mil­yong halaga ng ‘Kush’ o high grade marijuana, ka­ha­pon ng hapon sa lungsod ng Las Piñas.

Ang nasakoteng suspek ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay kinilalang si Paul Sohn alyas ‘Danny Lim’, nasa hustong gulang, residente ng Silicone St, Pilar Village, ng naturang lungsod.

Ayon kay PDEA Regional Director Gil Pabilona, dakong alas-9:00 ng umaga nang salakayin ng mga pulis ang tahanan ng suspek matapos na ma-beripika na ginawang isang ‘greenhouse’ o taniman ng marijuana ang bahay nito.

Tumambad sa mga otoridad ang iba’t ibang kagamitan sa pagpapalago ng halaman, isang laboratoryo, iba’t ibang uri ng drug pharaphernalias at ang mga pinatu-yong dahon ng high grade marijuana na tinatayang nasa P30-milyon ang halaga.

Nahaharap na ngayon sa patung-patong na kaso ang suspek.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with