^

Metro

5,000 miyembro ng KKK nanumpa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5,000 miyembro ng KKK nanumpa
Sinabi ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na kung papalarin siyang makabalik ay itutuloy niya ang kampanya na dati niyang nasimulang laban sa kriminalidad at serbisyong ‘womb to tomb.’
Boy Santos

MANILA, Philippines — Isinagawa kahapon ng umaga ang maraming panunumpa  ng mahigit  5,000 miyembro ng partidong samahang KKK (Kapayapaan, Kaunlaran at Katarungan) kay PDP-Laban national president Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, sa open auditorium ng Rizal Park, sa Ermita, Maynila.

Sinabi ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na kung papalarin siyang makabalik ay itutuloy niya ang kampanya na dati niyang nasimulang laban sa kriminalidad at serbisyong ‘womb to tomb.’

Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga tagasuporta ni Lim na nagtungo sa Luneta na naghihiyawan sa paglabas niya sa entablado.

Nanawagan si Lim sa publiko na tulungang magtagumpay ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapayapaan ng bansa. 

Kabilang sa dumalo sa nasabing okasyon sina PDP- Laban Manila Council President Penelope Belmonte, ang  executive director din ng National Parks Development Committee, DILG undersecretary Martin Dino, Bucor chief Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa at Congressman Monsour del Rosario.      

Bukod sa pagkakapareho ng mga isinusulong ng dalawang partido para sa malinis at tapat na pamahalaan, katuwang din umano ng KKK ang PDP-Laban sa pagbabalik ng lahat ng serbisyong libre na kanyang sinimulan bilang alkalde ng lungsod.

“Ating alalahanin, na iisa lang ang ating bansa at ang pagtatagumpay ng namumuno sa ating bansa ay tagumpay nating lahat. Anumang maging kabiguan ng administrasyong ito ay kabiguan na tayo ring mga Pilipino ang siyang babalikat,” dagdag pa ni Lim.

vuukle comment

AQUILINO ‘KOKO’ PIMENTEL III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with