^

Metro

Empleyado ng MMDA, huli sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Empleyado ng MMDA,  huli sa droga
Kinilala ni San Juan City Police Chief P/Sr. Supt. Dindo Reyes ang naarestong suspect na si Jayson Planco, alyas Jayson Bulate, ng Brgy. Batis ng lungsod.

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 19- anyos na empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos itong mahulihan ng illegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa San Juan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni San Juan City Police Chief P/Sr. Supt. Dindo Reyes ang naarestong suspect na si Jayson Planco, alyas Jayson Bulate, ng  Brgy. Batis ng lungsod.

Ayon sa opisyal, si Planco ay empleyado ng MMDA bilang kaminero o tagawalis sa kalye sa ilalim ng Out of School Youth Serving Towards Economic Recovery (OYSTER) Program ng ahen­sya simula noong Setyembre 18 o dalawang araw bago ito masakote.

Bandang alas-4:15 ng hapon nitong Huwebes, ayon sa opisyal nang masakote si Planco ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Brgy. Batis   ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bago ito, ay nakipagtransaksyon ang in­for­mer ng SDEU sa isang nag­­pakilalang alyas Melvin na bibili ng shabu kung saan ay napagkasunduan na sa Brgy. Batis isagawa ang bentahan.

Si alyas Melvin ay sangkot sa talamak na pagbebenta ng droga pero hindi ito sumipot sa pinagkasunduang lugar kung saan ang suspect ang nagdala ng ibinebentang droga.

Arestado naman ang suspect sa aktong iniaabot ang dalawang plastic sachet ng shabu at nabawi rin ang P 500 marked money.

Nadiskubre pa na 15-anyos pa lamang ay nagsimula nang  magtulak ng droga at marijuana ang nadakip at nakatala sa drug watch list. Sumuko na ito sa  ‘Oplan Tokhang’  noong 2016 pero sa kabila nito ay nagpatuloy sa pagtutulak ng droga.  

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with