^

Metro

Bangkay ng 2 batang inanod sa Tullahan River, narekober

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng 2 batang inanod sa Tullahan River, narekober
Alas-2:07 ng madaling araw nang marekober ng mga tauhan ng Valenzuela Rescue Unit ang bangkay ng 10-taong gulang na si Jillian Salud malapit sa Tullahan Bridge.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Narekober  na kahapon ng madaling araw ng mga rescuers ang bangkay ng dalawang batang lalaki na inanod sa Tullahan River sa Valenzuela City matapos ang higit isa’t- kahalating araw ng retrieval operations habang patuloy pang nawawala ang isa pang binatilyong kasama nilang nalunod nitong Linggo ng hapon.

Alas-2:07 ng madaling araw nang marekober ng mga tauhan ng Valenzuela Rescue Unit ang bangkay ng 10-taong gulang na si Jillian Salud malapit sa Tullahan Bridge.

Alas-3:40 ng madaling araw nang sunod na natagpuan ang bangkay ni Kerby Sabado Tejadilla, 10-taong gulang malapit din sa naturang tulay.

Hinahanap pa ang ikatlong biktima, ang 13-anyos na si Rheniel Sabado Tejadilla.

Ayon sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), posibleng natangay ng agos ang binatilyo sa parte ng Malabon ngunit may posibilidad din na naipit pa ang katawan nito sa putik sa ilalim ng ilog.

Sinabi ni Valenzuela City Public Information Officer Zyan Caina na handang tumulong si Mayor Rex Gatchalian sa pamilya ng mga biktima. May nakalaan na regular na P7,000 burial assistance ang pamahalaang lungsod ngunit nagsasagawa rin sila ng assessment sa pangangailangan ng pamilya ng mga biktima na pawang residente ng Brgy. Marulas.

Nabatid na alas-4 ng Linggo ng hapon nang magkayayaan na mag-swimming sa gilid ng Tullahan River sa may Antonette Subdivision, San Miguel Heights, Brgy. Marulas ang tatlong biktima hanggang sa tangayin sila ng malakas na agos.

vuukle comment

VALENZUELA RESCUE UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with