^

Metro

2 holdaper na kumasa sa mga pulis, patay

Pilipino Star Ngayon
2 holdaper na kumasa  sa mga pulis, patay

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sinasabing holdaper makaraang kumasa at manlaban sa mga pulis sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang unang napatay na suspek ay   tinatayang nasa edad na 30-35, 5’7 ang taas, payat, nakasuot ng kulay  gray na jacket, pulang sumbrero at may dalang back pack.

Sa imbestigasyon ni PO2 Remcel Jugarap, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng madaling araw  sa Iba St., corner A.Bonifacio, Brgy. Laloma, Quezon City.

Ayon sa report, isang tawag mula sa rescue 911 ang natanggap ng La Loma police hinggil sa nagaganap na holdapan. Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad at pagdating sa lugar ay nakita nila ang papatakas na suspek kaya sinita nila ito para arestuhin, pero sa halip na sumuko ay bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok sina SPO1 Marvin Florez at  PO2 Don-don Sultan na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Ang ikalawang napatay na suspect  ay kinilalang si Luis Aligado, 18, binata na nakatira sa Madrigal St., San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, sa lungsod.

 Nabatid na dakong alas-3:35 ng madaling araw nang mapatay ang suspek makaraang manlaban sa mga pulis na umaaresto sa kanya sa Kalye Onse, Agham Rd., Brgy. Pag-asa.

 Nabawi sa suspek ay isang Armscor na kalibre 38 baril, tatlong bala at dalawang sachet ng droga. (Mer Layson)

vuukle comment

CRIME

HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with