^

Metro

Old Santa Mesa bridge, tuloy na ang pagsasara

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Old Santa Mesa bridge,  tuloy na ang pagsasara
Sa pahayag kahapon ni Bong Nebrija, MMDA task force operations head, ang naturang tulay ay kumokonekta sa San Juan at Manila na nakatakdang gibain kung kayat ang mga kargadong materyales para sa Skyway Stage 3 Project ay dadaan sa waterway.
businessworld

MANILA, Philippines — Posibleng ngayong linggong  ito na isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Old Santa Mesa bridge matapos itong ipagpaliban bunsod ng bagyong Ompong.

Sa pahayag kahapon ni Bong Nebrija, MMDA task force operations head, ang naturang tulay ay kumokonekta sa San Juan at Manila na nakatakdang gibain kung kayat ang mga kargadong materyales para sa Skyway Stage 3 Project ay dadaan sa waterway.

Ayon kay Nebrija  ang Old Sta. Mesa bridge ay isasara sa loob ng 7 buwan.

Nabatid na nasa 8,000 motorista ang dumadaan sa naturang tulay kada araw ang maaapektuhan.

Dahil dito, sinabi pa ni  Nebrija kailangang i-clear nila ang F. Manalo St. o G. Araneta/Aurora Boulevard, Libiran, Boni Avenue at  F. Blumentritt Avenue kontra  sa anumang uri  ng traffic obstruction na magsisilbing alternatibong daan.

Asahan na rin ang matinding trapik sa Metro Manila.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with