^

Metro

3 K9 dog ng Coast Guard, tutulong sa retrieval sa Itogon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 K9 dog ng Coast Guard,  tutulong sa retrieval sa Itogon
Sinabi ni Coast Guard Spokesman, Captain Armand Balilo, inisyal na tutulak patungong Itogon, Benguet ang tatlong K9 at anim na handler para matunton kung saan posibleng natabunan ang mga minero.

MANILA, Philippines — Bagong  misyon ngayon ng K9 units ng Philippine Coast Guard na ginamit sa retrieval operations sa Bohol earthquake noong taong 2013  ang paghahanap sa mga minerong pinaniniwalaang natabunan sa Itogon, Benguet dulot naman ng bagyong si Ompong.

Sinabi ni Coast Guard Spokesman, Captain Armand Balilo,  inisyal na tutulak patungong Itogon, Benguet ang tatlong K9 at  anim na handler   para matunton kung saan posibleng natabunan ang mga minero.

Ililipad sila ng PCG Islander plane sa Poro Point sa La Union bago lilipat sa Air Asia helicopter patungong Itogon, Benguet.

Nabatid na ang nasabing K9s ang tumulong sa search and retrieval  (SAR) operations sa lalawigan ng  Bohol noong Oktubre 2013 nang yanigin ng mapaminsalang 7.2 magnitude na lindol.

Kasunod nito ay tatlo pang K9 na kukunin mula sa ibang units sa Luzon upang ipadala rin sa Itogon. 

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with