^

Metro

Misis utas sa selosong mister

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Misis utas sa selosong mister
Sanhi ng maraming saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si Maricar Sapian, 42-anyos, nakatira sa Libis, Cabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod habang pinaghahanap naman ang tumakas niyang mister na si Nicanor Paul Fernandez, 43-anyos, pahinante ng isang delivery truck.

Ginulpi, inatado ng saksak

MANILA, Philippines — Sinasabing sabog sa droga at matinding paninibugho ang nagtulak sa isang mister upang mapatay ang kanyang misis nang gulpihin niya ito at walang habas na inatado ng saksak, naganap sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sanhi ng maraming saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si Maricar Sapian, 42-anyos, nakatira sa Libis, Cabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod habang pinaghahanap naman ang tumakas niyang mister na si Nicanor Paul Fernandez, 43-anyos, pahinante ng isang delivery truck.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa. Nabatid na kinompronta umano ng mister ang kanyang misis dahil sa umano’y panlalalaki nito.

Pinagsusuntok ng suspek ang kanyang misis at kumuha ng kutsilyo sa kusina. Puma­gitna naman ang anak nilang babae na menor-de-edad ngunit maging ito ay sinuntok din ng suspek at nawalan ng malay.

Dito ay wala nang habas na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima hanggang sa duguang bumulagta saka mabilis na tumakas.

Rumesponde naman ang mga pulis ngunit hindi na inabutan ang suspek habang na­rekober ang patalim na ginamit nito na itinago sa gilid ng kanilang bahay.

Ayon sa mga kapitbahay, sobrang seloso umano ng suspek na agad na ginugulpi ang asawa kahit makita lang na may kausap na kapitbahay na lalaki ang misis. Sinabi pa ng mga kapitbahay na lulong umano sa iligal na droga ang suspek.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with