^

Metro

Pagkain con shabu: Carinderia owner, timbog

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
Pagkain con shabu: Carinderia owner, timbog
Nakilala ang suspect na si Fatima Diwan, alyas Madam, 33, na nadakip sa may 1st West Crame, Brgy. West Crame dakong alas-7:30 ng gabi.
File

MANILA, Philippines — Isang carinderia owner na pinagsasabay ang pagbebenta ng pagkain at shabu ang inaresto sa isinagawang drug operation sa San Juan City, kamakalawa.

Nakilala ang suspect na si Fatima Diwan, alyas Madam, 33, na nadakip sa may 1st West Crame, Brgy. West Crame dakong alas-7:30 ng gabi.

Inaresto si Diwan matapos na ipakita ng mga opisyal ng barangay West Frame  ang ten-minute video kay Senior Supt. Dindo Reyes ng San Juan police na nagpapakita  sa kanyang modus operandi. Nabuko sa video kung paano iniaabot ni Diwan sa kanyang kostumer ang inorder na pagkain na may kasama at nakatagong sachet ng shabu.

Matapos ang isang linggong surveillance, inihanda ng pulisya ang buy-bust kung saan ito nahuli sa bitag.

Ayon pa sa pulisya, nagsimulang masangkot sa bentahan ng illegal drugs si Diwan noon pang 2010.

Kabilang din ito sa watchlist ng drug personalities sa lungsod at bigong sumuko sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’. Ilang operasyon na rin ang isinagawa ng pulisya laban dito subalit sa maraming pagkakataon ay nakalusot ito sa pagkaaresto.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with