^

Metro

UV Express driver, bulagta sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
UV Express driver, bulagta sa tandem
Hindi naman nakilala ang mga tumakas na salarin. Inilarawan ang gunman na nakasuot ng gray na jacket na may hood habang nakasuot naman ng t-shirt ang nagmamaneho ng orange Mio type scooter.

MANILA, Philippines — Patay ang isang  driver ng  UV Express makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem  habang ang una ay namamasada   sa may Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang napaslang na si Rogelio Obando Jr., 44, at naninirahan sa Little Baguio, Miramonte Heights, Brgy. 180, nang naturang lung­sod.

Hindi naman nakilala ang mga tumakas na salarin. Inilarawan ang gunman na nakasuot ng gray na jacket na may hood habang nakasuot naman ng t-shirt ang nagmamaneho ng orange Mio type scooter.

Sa ulat ng pulisya, isinalaysay ng isang pasahero na kabababa lang niya sa sasakyang pinapasada ng biktima sa may Purificacion F. Dela Pena Avenue sa Miramonte Heights dakong alas-9:40 ng gabi nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Dito nakita ng saksi ang dalawang lalaki na sumakay ng scooter at mabilis na tumakbo habang lumabas ng van ang biktima na humihingi ng saklolo.

Agad namang tinulungan    ng dalawang residente ang biktima at isinugod sa pagamutan gamit ang ipinapasada niyang van  gayunman hindi na naisalba pa ang buhay nito dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang limang cartridge buhat sa isang kalibre .45 baril na ginamit ng mga salarin sa pamamaslang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Kabilang dito ang pag-alam sa background ng biktima upang makakuha ng lead.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with