^

Metro

Illegal drugs sinisilip sa pag-ambush sa brgy. chairman sa Maynila

Rey Galupo - Pilipino Star Ngayon
Illegal drugs sinisilip sa  pag-ambush sa brgy. chairman  sa Maynila
Ito’y matapos na maka- ku­ha ng aluminum foil na gamit sa pagsa-shabu ang natagpuan sa bulsa ng pi­nas­lang na chairman ng Brgy. 330, Zone 33 na si Angel Joy Rivero.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinututukan ng Manila Police District (MPD)-homicide section ang kanilang imbestigasyon na may kinalaman sa illegal drugs ang naganap na pagpaslang sa isang barangay chairman sa Ermita, Manila kamakalawa.

Ito’y matapos na maka- ku­ha ng aluminum foil na gamit sa pagsa-shabu ang natagpuan sa bulsa ng pi­nas­lang na chairman ng Brgy. 330, Zone 33 na si Angel Joy Rivero.

Si Rivero ay magugunitang lulan ng kanyang Ya- maha motorcycle at buma­bagtas sa panulukan ng Burgos at Ma. Orosa Sts. nang di­kitan ng riding-in-tandem na suspect dakong ala-1:50 ng hapon noong Huwebes, ayon kay PO3 Ferdinand Leyva ng MPD Station 5 in­vestigator.

Sinabi naman ni MPD-homicide investigator SPO1 Michael Marragun na hiniling nila ang drug testing at autopsy sa labi ng brgy. chairman para madetermina kung ito ay gumagamit ng illegal drugs.

Gayunman, nilinaw nito na hindi pa basehan ang na­kuhang aluminum foil sa kanyang bulsa para sabihing dawit ito sa droga. Sinasabi ring anti-illegal drug advocate ang biktima.

Gayunman, isang malapit na kaibigan ni Rivero ang nagsabing gumagamit ng ilegal na droga ang huli.

Hindi naman kasama ang nasawi sa drug watchlist.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with