^

Metro

282 pribadong illegal structure sa Makati, giniba

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
282 pribadong illegal structure sa Makati, giniba
Inatasan ni Makati City Mayor Abby Binay ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) para gibain ang mga ito.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Giniba ng pamahalaang lungsod ng Makati ang nasa  282 pribadong ilegal na istraktura kaugnay sa pagpapatupad ng road right-of-way at pagtataguyod ng ligtas at “walkable streets” para sa pedestrian  at mga motorista.

Inatasan ni Makati City Mayor Abby Binay ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) para gibain ang  mga ito.

Ang mga apektado sa  District 1 ay  nasa 68 na ang encroachment ang giniba ng DEPW sa Brgy. Olympia, 42 sa Sta Cruz; 35 sa Pio del Pilar; 29 sa Tejeros; 23 sa Pa-lanan; 19 sa Valenzuela; 16 sa Poblacion; siyam sa Carmona; walo sa La Paz; pito, San Antonio; lima, Bangkal; tatlo, Singkamas; at tig-isa sa Kasilawan at San Isidro.

Sa District 2 ay nasa 12 na encroachment ang giniba  at ito ay sa  Brgy. Guadalupe Nuevo; tatlo sa West Rembo; at isa sa Comembo.

Sinabi ni  Binay,  mula pa noong Oktubre, nagbigay na ang DEPW ng mga notice of violation sa mga  kinauukulan upang tanggalin ang mga bagay at mga istraktura na lumagpas sa kanilang pro-per­ty line.

Aniya, nabigyan na ang mga residente ng sapat na panahon upang sumunod sa notices of violation na ibinigay sa kanila, at nilinaw din sa kanila na mahigpit na ipinapatupad ang batas   para sa kabutihan ng lahat.

Tiniyak ng alkalde na paninindigan ng kanyang administrasyon ang pangakong bibigyang prayoridad ang kapakanan at kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga ordinaryong mamamayan na may karapatan sa malinis at ligtas na daanan.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with