^

Metro

3 ‘tulak’ utas sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 �tulak� utas sa buy-bust
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Rolando De Vera, alyas “Rolly” at residente ng Pa-rola, Compound, Binondo.

MANILA, Philippines — Bulagta ang tatlong diu­mano’y mga ‘tulak ng iligal na droga nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Binondo at Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio  Memorial Medical Center si Rolando De Vera, alyas “Rolly” at residente ng Pa-rola, Compound, Binondo.

Ikinasa ang buy-bust alas-9:28 ng umaga sa Gate 54 ng Parola Compound subalit nang malaman ng target na si De Vera na mga pulis ang nasa paligid ay nagtatakbo sa masikip na eskinita na nauwi sa habulan hanggang sa makorner siya at makipagputukan.

Bulagta ang suspek na itinakbo pa sa Gat Andres Bonifacio Medical Center subalit idineklarang patay. Narekober sa suspek ang 14 sachet ng shabu at P500 marked money.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, bumulagta rin ang mga suspek na kinilalang sina Becha Chino, alyas “Edwin”  at Arthuro Flores alyas “Nonoy”, kapwa ng Pacheco Sts., Tondo.

Ayon sa ulat, alas-2:10 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro sa gitna ng operasyon sa panulukan ng Pacheco at Apolonio Sts., Tondo.

Nabatid na ikinasa ang buy-bust laban sa mga suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team na pinamunuan ni C/Insp. Manny Israel.

Isa sa operatiba ang nakabili ng shabu sa mga suspek subalit nakahalata ang da-lawa na pulis ang katransaksiyon kaya nagbunot ng baril subalit naunahan sila sa pag­responde ng mga back-up na operatiba  at nagtamo ang dalawa ng maraming tama ng bala sa katawan.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 2 kalibre 38 baril, 2 plastic sachet ng shabu at buy-bust money. (with trainee Vea Angela Quiamco )

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with