^

Metro

64-anyos na lola binoga ng rider, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
64-anyos na lola binoga ng rider, patay
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Lucila Santos-Marasigan, naninirahan sa C. Arellano Extension, Brgy. Flores, nang naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 64-anyos na lola makaraang barilin sa ulo ng isang rider habang naglalakad ang biktima sa Malabon City, ka­makalawa ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Lucila Santos-Marasigan, naninirahan sa C. Arellano Extension, Brgy. Flores, nang naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspek na nakilalang si Wilfredo Patola, alyas Laki, 31, at nakatira naman sa Gulayan Street, Santo Niño, Malabon City.

Sa inisyal na ulat ng Malabon City Police, kagagaling lang sa burol ng kanyang namayapang kapatid si Marasigan sa may Eternal Garden sa P. Aquino Ave­nue, Brgy. Tonsuya dakong alas-12:45 ng hapon nang maganap ang krimen.

Naglalakad na pauwi ang matandang biktima kasama ang manugang na si Anna Viray-Marasigan nang dikitan sila ng suspek na si Patola at walang sabi-sabing binaril ito nang malapitan sa ulo.

Agad na tumakas ang salarin habang isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Malabon City Rescue Unit sa Tondo General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid ang motibo sa pamamaslang habang isang manhunt ope­ration na ang ikinasa upang madakip si Patola.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with