^

Metro

Truck driver kritikal sa boga ng sekyu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agaw-buhay  sa pagamutan ang isang truck driver matapos barilin sa ulo ng kaalitang sekyu sa panulukan ng Juan Luna at Fajardo Sts., sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si  Randy Odon,  driver ng Meridian Cargo Forwarder.

Mabilis namang naaresto ang suspek na si Benmar Algarme Gutib, 26, security guard  ng  Meridian Cargo Forwarder.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 7, dakong alas 10:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa labas ng compound ng nasabing kompanya.

Nakitang nagsasagutan ang sekyu at driver hanggang sa humantong na umano sa mainitang pagtatalo at nakita na lang na tumatakbo ang biktima na hinahabol ng suspek palabas ng compound.

Kasunod nito ang alingawngaw ng putok ng baril na bigla na lang humandusay sa kalye ang biktima na tigmak ng dugo maging ang kalsada.

Nakapiit na sa MPD-Station 7 ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso.

vuukle comment

TRUCK DRIVER SHOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with