^

Metro

Call center agent na hacker ng credit card, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Call center agent na hacker ng credit card, timbog
Kinilala ni MPD director, Chief Supt. Rolando Andu-yan ang suspek na si Kyle Cedrick Villa, diumano’y bading, at residente ng Yakal St., Tondo, Maynila.

MANILA, Philippines — Arestado sa isinagawang entrapment operation ang isang 29-anyos na call center agent nang gamitin nito ang na-hack na credit card ng kapitbahay sa pagbili sa online ng grocery items na ipinadeliber sa kaniyang bahay, sa Tondo, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni MPD director, Chief Supt. Rolando Andu-yan ang suspek na si Kyle Cedrick Villa, diumano’y bading, at residente ng Yakal St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) chief, C/Ins­pec­tor Rosalino Ibay Jr., dinakip nila ang suspek dakong alas- 6:40 ng gabi sa mismong bahay nito nang muling mag­padeliber ng groceries sa bahay niya gamit ang credit card.

Isinailalim na kahapon sa inquest proceedings sa paglabag sa Identity Theft o Republic Act 10175, Robbery Extortion o Article 293 ng Revised Penal Code at Access Device Code o RA RA 8484 sa Manila Prose­cutor’s Office ang suspect.

Ito’y matapos idulog ng ginang na si Helen Afuang, 58, ng Yakal St., Tondo ang paggamit ng credit card ng suspek sa ilang transaksiyon kabilang ang pagbili ng grocery items, pamba-yad sa online gaming, at pamasahe sa transport network vehicle service (TNVS) na umabot sa halagang P394,927.97 bago pa nadiskubre.

Sa beripikasyon, Abril 15, 2018 unang ginamit ng suspek ang credit card at nabisto lamang nang makatanggap ng bills ang biktima sa mga transaction sa online na ikinagulat niya dahil hindi umano siya marunong mag-online purchase gamit ang credit card.

Nang ireklamo sa pulis­ya ay lumitaw sa imbesti­gasyon na nagawang ma-access ng suspek ang credit card nang minsang sulsulan nito ang 15-anyos na anak ng biktima na bumili ng P40,000 halaga ng cellphone.

Tinulungan ng suspek ang menor de edad matapos sundin ang instruksiyon na kunan ng larawan ang detalye ng credit card at ipadala sa messenger.

Nauto rin ng suspek ang anak ng biktima na makuha ang password at sim card ng ginang na naging daan upang magamit sa online transactions.

Nang tangkain ng suspek na hingan ng P5,000 ang ginang para maisoli ang sim card  ay nakipagkasundo ito na lingid sa kaalaman ng suspek ay plano na ito ng mga operatiba  ng DPIOU upang siya ay malambat.

Nagkataon na nagpadeliber muli ang suspek sa pamamagitan ng online purchase  na naging daan para sa entrapment.

vuukle comment

CREDIT CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with