^

Metro

12 drug suspects arestado

Ghio Ong - Pilipino Star Ngayon
12 drug  suspects  arestado
Dinakip ng mga tauhan ng Pasay Police ang suspek na si Torre Badinas, 21-anyos, dakong alas-5:35 ng hapon sa kahabaan ng NAIA Road sa Brgy. 198 matapos na sitahin dahil sa kahina-hinalang kilos at makaraan ay makumpiskahan ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

MANILA, Philippines — Labindalawang drug suspects ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang magkakahiwalay na drug-bust operation sa lungsod ng Pasay, Makati at Taguig, kamakalawa, ayon sa ulat.

Dinakip ng mga tauhan ng Pasay Police ang suspek na si Torre Badinas, 21-anyos, dakong alas-5:35 ng hapon sa kahabaan ng NAIA Road sa Brgy. 198 matapos na sitahin dahil sa kahina-hinalang kilos at makaraan ay makumpiskahan ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa Makati City, timbog sa ikinasang buy-bust operation dakong alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Olympia ang mga suspek na sina Tetchie Cordova Alejandro, 32; John Michael Siron, 25; at Ara Espiritu, 32.

Arestado rin ang walong suspek na sina Jose Valentino de Castro, Ranilo Me­rata, Rolly Ordoñez, Christian Paulino, Jolly Cabrera, Gideon Salude, Ramirenzo Frondoza at John Mark Angeles sa anti-drug operation na isinagawa ng mga operatiba ng Taguig City Police sa Brgy. Tuktukan, Brgy. Katuparan at Brgy. Ususan.

Nakumpiska mula sa kanila ang walong sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap na ngayon ang mga suspek sa reklamong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with