^

Metro

Bahay ng trader na nanapak ng traffic enforcers sinalakay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng trader na nanapak ng traffic enforcers sinalakay
Ang dinakip na negosyante na sangkot sa pananapak sa dalawang traffic enforcer kamakaialan na nag-viral sa social media matapos na maaresto kahapon kung saan nasamsam dito ang dalawang granada, mga baril at bala.
(Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Dinakip kahapon ng operatiba ng Regional Special Operations Unit ng National Capital Regional Police Office (RSOU, NCRPO) ang isang mayaman at sigang motorista at body guard nito na kasama sa nanggulpi ng dalawang traffic enforcer na nag-viral sa social media, kamakailan sa Makati City.

Pinangunahan ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang pag-aresto sa suspect na si Arnold Padilla, taga-San Antonio St., Brgy. Magallanes Village ng naturang siyudad.

Inaresto rin ang isang body guard ni Padilla, na nakilala sa pangalang Alfie Ortiz.

Sa isinumiteng ulat ni Eleazar kay Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde, pasado alas-7:00 kahapon ng umaga nang dakpin si Padilla mismo sa loob ng bahay nito sa naturang lugar sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Elemo Alameda, ng Branch 156,  Makati City Regional Trial Court (RTC).

Nabatid, na habang nagsasagawa ng search ang mga pulis sa bahay ni Padilla, dumating naman ang dalawang abogado nito na kinilalang sina Atty. Raymund Fortun at Atty. Virgilio Battalla kung saan kinuwestiyon ng mga ito  ang bitbit na search warrant  ng mga pulis at sinabing may paglabag umano ang mga ito.

Gayunman, sa bandang huli ay pumayag na rin ang mga abogado nito  na buksan ang Mercedez Benz ni Padilla na wala namang nakuhang kontrabando.

Nakuha sa bahay ng suspect  ang dalawang granada, isang shot gun, kalibre .45 baril at ilang mga bala at napag-alaman na hindi ito nakapangalan sa kanya dahilan upang masampahan ito ng kasong Illegal possession of firearms.

Napag-alaman na habang inaaresto si Padilla ng mga pulis ay nagpatawag ito ng doktor dahil sumama  ang pakiramdam at nais pa nitong magpa-confine sa Saint Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, subalit hindi pumayag ang mga pulis.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang ginawang panggugulpi ni Padilla at ng grupo nito sa dalawang traffic enforcer ng Brgy. Magallanes Village, Makati City  matapos sitahin ang mga ito dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Napag-alaman na si Padilla ay isang prominenteng negosyante at galing sa mayamang angkan, na siga-siga sa kanilang lugar.

Sangkot din umano si Padilla sa pagpatay sa sariling kapatid matapos nitong bigyan ng ‘gift bomb’ noong 2010.

Dahil sa iniindang high blood pressure, dinala na rin si Padilla sa Saint Luke’s Hospital.

vuukle comment

ARNOLD PADILLA

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with