^

Metro

MRT-3, isasailalim sa rehabilitation –DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, isasailalim sa rehabilitation �DOTr
Ayon sa DOTr, sisimulan ang proyekto sa ikatlong bahagi ng 2018 at inaasahang matatapos sa first quarter ng taong 2021.
File Photo

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na isasailalim sa rehabilitation program ang buong pasilidad at mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa DOTr, sisimulan ang proyekto sa ikatlong bahagi ng 2018  at inaasahang matatapos sa first quarter ng taong 2021.

Sinabi ng DOTr, bago matapos ang buwang kasalukuyan ay pipirmahan na ang loan agreement na susundan naman ng pagda­ting ng mga Japanese maintenance contractor na silang manga­ngasiwa sa rehabilitation project.

Kapag natapos na ang rehabilitation project ay inaasahang aabot na sa 60 kilo­meters per hour ang magiging bilis ng takbo ng mga MRT trains.

Inaasahan din na tatlong minuto na lamang ang waiting time para sa mga pasahero at maging ang mga aircon ay hindi na tutulo sa loob ng tren.

Sakop din sa rehabilitation program ng MRT-3 ang mga train, power supply system, radio system, signaling system, public address system pati na rin ang mga CCTV.

 Inaprubahan na ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Ang nasabing proyekto ay popondohan ng Official Deve­lopment Assistance (ODA) ng bansang Japan.

Sa inilabas na pahayag mula sa National Economic and Development Autghority (NEDA), aabot sa P22 Billion ang ilalaang pondo para sa pagsasa-ayos ng buong sistema ng MRT-3.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with