Presidential Car Museum sa QC, bukas na sa publiko
MANILA, Philippines — Libreng makikita ngayon ng publiko ang mga sasakyang ginamit ng mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng bagong Presidential Car Museum na bubuksan sa QC Circle simula ngayong linggo para makita ng publiko mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 4 ng hapon tuwing araw ng Martes hanggang araw ng Linggo.
Naipatayo ang museum ng QC government sa tulong ng National Historical Commission of the Philippines sa pamamagitan ni NHCP executive director Ludovico D. Badoy.
Sa bawat sasakyan ay may mga plake na nagpapaliwanag ng naging ambag ng bawat sasakyan sa mga naging Pangulo ng ating bansa at kung gaano ito kahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas.
“Layunin natin na ipakalat ang turo at mga ginawa ng mga bayaning Pilipino at ng mga personahe natin sa kasaysayan,”pahayag ni Presidential Car Museum curator Ryan Tan.
- Latest