QC schools walang pasok sa Lunes
MANILA, Philippines — Ito ay makaraang lagdaan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang suspension order ng klase upang bigyang pagkakataon ang mga estudyante na makiisa sa paggunita sa Birth Anniversary ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.
Ipinauubaya naman ni Bautista sa school administrators ang desisyon kung kailangang magkaroon ng make-up classes ang mga mag-aaral o dagdag na academic work para mapunan ang suspensyon.
Sumunod na araw nito, Martes August 21 ay wala ding pasok ang mga paaralan dahil naideklara itong holiday ng Malakanyang para sa Eid’l Adha at Ninoy Aquino Day.
- Latest