^

Metro

Rookie cop huli sa buy-bust

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Rookie cop huli sa buy-bust
Kinukuwestyon nina PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde at NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang parak na nahuli sa buy-bust na si PO1 Jeffrey Amador.
Kuha ni Joven Cagande

Isinuplong ng Misis

MANILA, Philippines — Isa na namang bagitong pulis ang nadakip dahil sa droga sa isinagawang buy bust operation na ikinasa nang pinagsanib na pwersa ng Southern Police District (SPD) at National Bureau of Investigation (NBI) kamaka-lawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ang suspect na nadakip na si PO1 Jeffrey Amador, 29, ng  Providencia St., Brgy. Signal ng naturang siyudad, nakatalaga  sa Taguig City  Police Community Precinct (PCP) 1.

Ang pagkakadakip kay PO1 Amador ay bunsod sa reklamo ng kanyang misis na si Michelle, 22 na lagi niyang ginugulpi kung saan napag-alaman na ang na-tu­rang suspect ay sangkot din umano sa droga.

Alas-8:45 kamakalawa ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng SPD at NBI mismo sa tini­tirhan ng suspect.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu at nang maiabot na sa suspect ang buy-bust money, ito na ang hudyat para ares­tuhin si  Amador.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with