^

Metro

Mayamang trader, 2 pa hinahanting

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mayamang trader, 2 pa hinahanting
Kinilala lamang ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police ang mga suspect na sina Arnold Padilla, negosyante ng Magallanes Village; mga kasama nitong sina Bernabe Casido at isang babae na nakilalang si Glocel Razon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hinahanting na ng mga awtoridad ang tatlong motorista kabilang ang isang mayamang negosyante matapos umano nilang suntukin, duraan, pagmumurahin at pagsalitaan nang masasakit na salita ang dalawang bantay bayan-traffic enforcer na nanghuli sa kanila dahil sa traffic violation kamakalawa sa Makati City.

Kinilala lamang ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police ang mga suspect na sina Arnold Padilla, negosyante ng Magallanes Village;  mga kasama nitong sina Bernabe Casido at  isang babae na nakilalang si Glocel Razon.

Posibleng maharap ang mga ito sa mga kasong physical injury, direct assault at oral defamation.

Nagtamo naman ng mga sugat ang mga biktimang sina Carlito Mariano at Reymundo Soliven, kapwa bantay bayan at traffic enforcer na nakatalaga sa Brgy. Magallanes, Makati City.

Ayon sa Makati City  Police, naganap ang insidente alas-12:58 ng hapon sa Northbound lane ng EDSA-Magallanes Interchange, Brgy. Magallanes ng naturang siyudad.

Nabatid na sakay ang mga suspect ng kulay puting Infinity SUV at kulay itim na Mercedez Benz, na naka-convoy.

Habang nagmamando ng daloy ng trapiko sa naturang lugar sina Mariano at Soliven ay namataan nila ang naturang mga sasakyan, sinita nila ito dahil sa traffic violation.

Nang hihingin na nila ang lisensiya ay nagalit ang mga suspect at dito na umano sila pinagmumura at pinagsalitaan ng masasakit na salita.

Hindi pa nakuntento ang mga suspect, dinuraan at pinagsusuntok nila ang mga biktima.

Sa takot ng mga biktima ay hindi na nagawa nilang hulihin ang mga suspect hanggang sa pinaharurot ng mga ito ang kanilang mga sasakyan at tumakas.

vuukle comment

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with