^

Metro

Onsehan sa droga: Ulo ng mister, tinaniman ng bala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Onsehan sa droga: Ulo ng mister, tinaniman ng bala
Ang biktima ay inilarawang nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’6, fair comple-xion, maliit ang pangangatawan, nakasuot ng pulang t-shirt na may naka-print na ‘Tribal’ at maong na pantalon.

MANILA, Philippines — Onsehan sa droga ang sinasabing motibo sa ginawang pagbaril sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang mister na agad na nasawi ng hindi pa rin nakikilalang suspek sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay inilarawang nasa pagitan ng edad  25-30, may taas na 5’6, fair comple-xion, maliit ang pangangatawan, nakasuot ng pulang t-shirt na may naka-print na ‘Tribal’ at maong na pantalon.

Siya ay namatay noon din sanhi ng tinamong anim na tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ni PO1 Morshid  Tanog, ng  Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-2:40 ng madaling araw sa Rupee St., Phase 8, Brgy. North Fairview, Quezon City. 

Batay sa pahayag ni Renato Medil Dela Pena, bus driver, nag-iinuman sila ng kapwa niya driver  nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang kanilang puntahan   ang pinagmulan ng putok ay nakita nila ang duguang nakahandusay na lalaki kaya agad nilang inireport ang krimen sa Barangay officials ng  Brgy. North Fairview sa nasabing lungsod.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pamumuno ni Police Sr. Insp. Nelson Sta. Maria, ang plastic sachets ng shabu at mga basyo ng bala na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Sa inisyal na imbestigas-yon, sinasabing onsehan sa droga ang posibleng dahilan o  motibo ng krimen.

vuukle comment

DRUG RIVALRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with