^

Metro

Mag-uutol na ‘tulak,’ arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-uutol na �tulak,� arestado
Kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Joselito Esquivel ang magkakapatid na sina Emelito Cabiling, 37, Angelito Cabiling, 39 at Joselito Cabiling, 43 na pawang residente ng San Isidro St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong magkakapatid na sinasabing ‘tulak’ ng droga sa kanilang lugar sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Joselito Esquivel ang magkakapatid na sina  Emelito Cabiling, 37,  Angelito Cabiling, 39 at Joselito Cabiling, 43 na pawang residente ng San Isidro St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Kasamang nadakip ang kanilang kaibigan na si Edgardo Brabante, 33 ng San Isidro St., Brgy. Holy Spirit.

Nabatid mula kay P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng Bata­san Police Station 6 (PS 6) na dakong alas-6:00 ng gabi nang isagawa nila ang buy bust operation sa mga suspek makaraan umanong makumpirma na sila ay nagtutulak ng bawal na droga.

Nabawi sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, iba’t-ibang drug paraphernalia at buy bust money.

Sinasabing ang magkakapatid na Cabiling ay bago pa lamang bilang mga ‘drug personalities habang si Brabante ay kabilang na sa ‘drug watch list’ ng QCPD station 6.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong pagla­bag R.A. 9165 (The Com­pre­hen­sive Dangerous Drugs Act of 2002).

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with