^

Metro

Buy-bust: 1 patay, 3 timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust: 1 patay, 3 timbog
Nagresulta sa putukan ang operasyon matapos matunugan ng suspek na si Jeric Topacio, alyas Ebok, na undercover ang kaniyang ka-transaksiyon kung saan agad nitong binunot ang dalang baril at tangkang barilin ang pulis gayunman, naunahan na rin siya ng awtoridad na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.
File Photo

MANILA, Philippines — Utas ang isa habang kulong naman ang tatlo pang hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga nang man­laban sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 1 sa Gawad Kalinga, Brgy. 105, Tondo, Maynila, kaha­pon ng mada­ling araw.

Nagresulta sa putukan ang operasyon matapos matunugan ng suspek na si Jeric Topacio, alyas Ebok, na undercover ang kaniyang ka-transaksiyon kung saan agad nitong binunot ang dalang baril at tangkang barilin ang pulis gayunman, naunahan na rin siya ng awtoridad na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Sa ulat ni MPD-Station 1 chief, Supt. Jay Dimaandal,  dakong ala-1:30 ng mada-ling araw nang maganap ang engkuwentro sa taha­nan ng suspek na matatagpuan sa Gawad Kalinga, sakop ng Barangay 105, sa Tondo

Target umano si Topacio sa nasabing operasyon na kabilang sa drug watch list ng barangay.

Nasamsam sa crime scene ang dalawang sachet ng shabu, isang kalibre 38 baril at dalawang basyo ng bala mula sa kalibre 45.

Tatlo pang kasamahan   ng suspek ang dinakip ng mga awtoridad. (With trainee Alliah Zain A. Delgado)

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with