^

Metro

‘Taong-grasa’, pumasok at naglakad sa riles ng MRT-3, binaril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Taong-grasa�, pumasok at naglakad sa riles ng MRT-3, binaril
Kusang loob namang su­muko sa pulisya ang nakabaril na sekyu na si Federico Bustamante, na nakatalaga sa Ayala MRT-3 Station, 30, at residente ng Novaliches, Quezon City.

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki na hubo’t hubad na kung tawagin ay “taong grasa” ang pumasok at nag­lakad sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 ang binaril sa paa ng isang security ng MRT-3 sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kusang loob namang su­muko sa pulisya ang nakabaril na sekyu na si Federico Bustamante, na nakatalaga sa Ayala MRT-3 Station, 30, at residente ng Novaliches, Quezon City.

Nabatid mula sa incident report ng MRT-3 management, ang insidente ay naganap dakong alas-8:43 ng umaga nang makapasok ang ‘taong grasa’ at maglakad sa  riles, sa pagitan ng Ayala at Magallanes Stations sa Makati City.

Bunsod ng insidente ay pansamantalang itinigil ng MRT-3 ang kanilang operasyon sa magkabilang-linya.

Tinangka namang pakiusapan ng mga guwardiya ng MRT-3 ang taong-grasa na umalis sa riles dahil nakakaabala ito sa kanilang operasyon at maaari itong masagasaan ng kanilang mga tren ngunit tumanggi ito at nakipagtalo pa.

Dahil dito, napilitan ang mga guwardiya na lapitan at pwersahan nang paalisin sa riles ang lalaki. Habang papalapit ang mga guwardiya ay bigla na lang umano sila nitong sinugod at pinagba­bato, gayundin ang mga du­ma­raang pampasaherong bus, kaya’t napilitan si Bustamante na mag-warning shot, ngunit tinamaan ang lalaki sa paa.

Ayon sa pamunuan ng   MRT-3, nasa street level ang riles sa naturang lugar kaya’t nagawa ng ‘taong grasa na makapasok sa bakod ng MRT-3. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with