^

Metro

Ugnayan ng pulis at komunidad mahalaga -- VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ugnayan ng pulis at komunidad mahalaga -- VM Joy B
Ito ang inihayag ni Que-zon City Vice Mayor Joy Belmonte na sa kabila ng na­pau- lat na pagbaba ng crime rate sa bansa, hindi pa rin umano dapat maging kampante ang pamahalaang lungsod na ligtas na ang bawat mamama-yan sa anumang krimen.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mahalaga pa rin na ma­ipagpatuloy ang pagtutulu-ngan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at ng buong ko­munidad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Ito ang inihayag ni Que-zon City Vice Mayor Joy Belmonte na sa kabila ng na­pau-  lat na pagbaba ng crime rate sa bansa, hindi pa rin umano dapat maging kampante ang pamahalaang lungsod na ligtas na ang bawat mamama-yan sa anumang krimen.

 “According to data (from the police), all index crimes apart from murder ay bumaba, and so they feel that there’s really correlation between drug use and criminal activity in the city,” paliwanag ni Belmonte.

Sa tala ng PNP, nagkaroon ng pagbaba sa krimen dahil sa kampanya laban sa illegal drugs sa bansa. Mula  Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2018 mayroong naitalang higit sa 1-milyong krimen sa bansa.  Mas mababa ito ng 21 porsiyento o may 1.4-milyong krimen na naitala noong Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2016.

Ipinaliwanag ni Belmon-te na mahalaga ang naitutulong ng kampanya kontra droga sa lungsod.

Aniya, bagamat nakatutok ang kapulisan sa pagpapa­tupad ng batas, ang Quezon City Anti-Drug Abuse and Advisory Council (QCADAAC) na kanyang pinamumunuan ay nakatuon naman sa anti-drug preventive education at rehabilitasyon, laluna sa mga kabataan ng QC.

Sabi pa ni Belmonte, sa ganitong paraan kung saan may matibay na ugnayan ang kapulisan, lokal na pamahalaan, at komunidad sa pagpapaigting ng kampanya kontra droga ay malaki ang nagiging ambag nito upang mapababa rin ang crime rate hindi lang sa lungsod kundi maging sa buong bansa.

Kasunod naman ng ma-   ig­ting na kampanya ni Belmonte kontra droga at pagtitibay ng relasyon ng kapulisan at komunidad, ay pinarangalan siya bilang “Outstanding Local Executive of the Year” ng National Capital Region Police Office.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with