^

Metro

3 arestado sa rent-a-car scam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 arestado sa  rent-a-car scam
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang naarestong mga suspek na sina Manchester Uy, 42, Broker; Omar Clores, 34; trailer driver, kapwa ng Belmont St. West Wing Villa, at Kurt Siegffred Mercado, 25, ng Brgy. Batasan Hills.
File

MANILA, Philippines — Arestado ng mga otoridad ang tatlong suspek sa rent-a-car carnapping modus, na nagresulta rin sa pagkarekober ng dalawang carnapped vehicles sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang naarestong mga suspek na sina Manchester Uy, 42, Broker; Omar Clores, 34; trailer driver, kapwa ng Belmont St. West Wing Villa, at Kurt Siegffred Mercado, 25, ng Brgy. Batasan Hills.

Nauna rito, isang John David Villanueva ang nag-renta ng Ford Everest 2018 sa complainant na si Lindsay Rivera, sa GSIS Village Entrance Gate, Brgy. Talipapa noong August 7.

Makaraan ng ilang araw    ay napuna umano ni Rivera na isa sa GPS ng sasakyan ay hindi gumagana kaya hindi ito ma-trace, kaya’t kinontak niya ang nagrenta nito, ngunit nabigo.

Mabuti na lamang at gu­magana ang ikalawang GPS ng sasakyan at natuntong nakaparada sa harapan ng isang banko sa Mayaman St. Brgy. Central kung saan sa tulong ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Section of the District Special Operations Unit (ANCAR-DSOU), ay nabawi ang sasakyan.

Sa interogasyon sa dri-ver ng sasakyan na si Fede­rico Noveno, sinabi niya na isinangla sa kanya ni Uy ang sasakyan noong August 8 sa halagang P300,000 at isasauli umano ito matapos ang isang buwan na may 10% interes.

Ibinunyag din nito na mag­tutungo sa kanyang ta­hanan si Uy dakong alas-9:00 ng gabi ng araw ding iyon, kaya’t nagsagawa ng stakeout ang mga ANCAR operatives na nagresulta sa pagkakaresto nito at dalawa pa niyang kasabwat.

Sakay ang tatlo ng isang Toyota Innova, nang beripikahin ay natukoy na inireport na nawawala noon pang July 30, 2018, at nakarehistro sa isang Cesar Domingo.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong pag-labag sa Republic Act 10883 o Anti-Carnapping Law.

vuukle comment

RENT-A-CAR CARNAPPING MODUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with