^

Metro

Bebot, kalaboso: Shabu tinangkang ipasok sa piitan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bebot,  kalaboso: Shabu tinangkang  ipasok sa piitan
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Direc­tor, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Joan dela Cruz, 41, ng Brgy. Balon Bato, Quezon City.

MANILA, Philippines — Arestado ang isang bebot matapos na magtangkang magpuslit ng shabu papasok sa loob ng bilangguan sa Quezon City, na hinihinalang para sa kanyang nakapiit na live-in partner na dadalawin, kahapon ng madaling araw. 

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Direc­tor, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Joan dela Cruz, 41, ng Brgy. Balon Bato, Quezon City.

 Batay sa ulat ng Talipapa Police Station (PS-3), dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maaresto ng mga pulis ang suspek sa loob mismo ng kanilang presinto.

 Nauna rito, nagtungo sa bilangguan ang suspek at nakiusap umano sa mga pulis para madalaw ang kanyang nakapiit na kinakasamang si Crisencio Tismo, upang madalhan ito ng pagkain.

 Nabatid na si Tismo ay nakadetine sa detention facility ng PS-3, matapos na maaresto ng mga pulis noong nakaraang buwan dahil din sa pag-iingat ng illegal na droga. Sa awa ay pumayag naman ang mga pulis, ngunit nang isailalim sa mandatory body check ay nakumpiskahan si Dela Cruz ng isang pakete ng shabu, na nakalagay sa kanyang bulsa.

Dahil dito, kaagad na ina­resto at ikinulong ng mga pulis ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ARRESTED

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with