^

Metro

Listahan ng mga bawal na pagkain sa mga paaralan sa QC, busisiin - Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Listahan ng mga bawal na pagkain  sa mga paaralan sa QC, busisiin - Joy B
Ito ay ginawa ni Belmonte bilang tugon sa hinaing ng mga school principal at mga magtitinda hinggil sa listahan ng mga ipinagbabawal na pagkain sa mga paaralan sa ilalim ng Anti-Junk Food ordinance.”
Boy Santos

MANILA, Philippines —  Iginiit ng Quezon City  Coun­cil sa pangunguna ni Vice Ma­yor Joy Belmonte ang muling pag-aaral sa listahan ng mga ipin­agbabawal na pagkain at inu-min sa mga paaralan sa lungsod.

Ito ay ginawa ni Belmonte bilang tugon sa hinaing ng mga school principal at mga magtitinda hinggil sa listahan ng mga ipinagbabawal na pagkain sa mga paaralan sa ilalim ng Anti-Junk Food ordinance.” “Everybody agrees that the ordinance is fine. Everybody is supporting it. It is the implementing rules and regulations where the list of banned food items is stated that is the problem,” pahayag ni Belmonte.

Ang “Anti-Junk Food and Sugary Drinks Ordinance” ay naaprubahan noong June  2017 na layong ipagbawal ang pagbebenta ng mga junk food, sugary drinks, at processed foods sa mga paa­ralan sa elementarya at HS at sa mga katabing gusali upang mapa-ngalagaan ang kalusugan ng mga kabataang mag-aaral.

Gayunman, nakatanggap si Belmonte ng isang “position paper” mula sa mga school principal ng mga paaralan sa QC at nakasaad dito na hindi sila masaya sa paraan ng pagpa-patupad ng  naturang ordinansa.

“We consulted a third-party nutritionist who pointed out that some of the food items banned – like yogurt – are healthy and can be allowed,  mayroon pang “room for improvement” ang  listahan,” pahayag ni Belmonte.

Dahil ang IRR ay saklaw ng city health department, isang joint consultative meeting ang isinagawa noong Hulyo 31 upang talakaying muli ang listahan ng mga ipinagbabawal na pagkain kasama ang mga opisyal ng city health department, mga principals, mga magtitinda, parent associations, mga kooperatiba at iba pang mga stakeholder.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with