^

Metro

Total ban sa provincial bus sa EDSA sa Aug. 15, sisimulan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Total ban sa provincial bus  sa EDSA sa Aug. 15, sisimulan
Sinabi ni MMDA Gene­ral Manager Jojo Garcia, na na­kikipagpag-usap na ang ahensya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pagbabago ng ruta ng mga provincial bus na mula sa hilaga at katimugang bahagi.

MANILA, Philippines — Muling inurong kahapon  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pormal na pagpapatu-pad sa polisiyang maglilimita sa pagpasok ng mga provincial bus sa bahagi ng EDSA na dapat ay sa Agosto 1 na mag­sisimula ngunit inusog sa Agosto 15. 

Sinabi ni MMDA Gene­ral Manager Jojo Garcia, na na­kikipagpag-usap na ang ahensya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pagbabago ng ruta ng mga provincial bus na mula sa hilaga at katimugang bahagi.

“May ilang mga ruta tayong kailangang baguhin para sa ikagiginhawa ng mga pasahero. Pag-uusapan pa namin ito kasama ang mga opisyal ng LTFRB sa Lunes,” ani Garcia.

Sa pahayag ni Garcia, sinabi nitong isasabay ang pagbabawal sa ilang ruta ng mga provincial buses sa EDSA mula Balintawak hanggang Magallanes sa pagbubukas   ng Valenzuela Interim Terminal sa Agosto 15.

“Hanggang sa Valenzuela terminal na lamang ang ruta ng ilang piling provincial buses mula sa Norte pero aalamin pa kung anong ruta ang mga ito,” paliwanag ng opisyal.

Ang Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) naman ang magsisilbing terminal ng mga provincial buses naman na mula sa timog na walang  terminal sa Pasay City.

Sa ngayon, ani Garcia, ay palalawigin muna ang dry run para sa regulasyon sa provincial buses hanggang sa Agosto 14.

Mula Hulyo 24 hanggang 27 o unang linggo ng dry run, nasa 477 na provincial buses ang nasita ng MMDA.

vuukle comment

JOJO GARCIA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with