^

Metro

Lider ng gang, 1 pa timbog sa P2.4-M shabu

Lordeth Bonilla, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lider ng gang, 1 pa timbog sa P2.4-M shabu
Kinilala ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Elea­zar ang mga nadakip na sina Rolando Arnaiz, alyas “Lang-Lang”, at sinasabing lider ng Roban Valenzuela Lang-Lang Arnaiz Criminal Gang, at David Montalbo, alyas “Dave”.

MANILA, Philippines — Arestado ang No.1 most wanted criminal ng Quezon City Police District Station 4 na itinuturong lider ng isang criminal gang na sangkot sa operasyon ng iligal na droga at ‘gun-for-hire’ at ang isa niyang kasamahan matapos silang masakote at makumpiskahan ng nasa mahigit P2-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanila, kahapon ng mada-ling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Elea­zar ang mga nadakip na sina Rolando Arnaiz, alyas “Lang-Lang”, at sinasabing lider ng Roban Valenzuela Lang-Lang Arnaiz Criminal Gang, at David Montalbo, alyas “Dave”.

Sa ulat, alas-12:15 ng madaling araw nang isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Brgy. Sta. Quiteria, Caloocan.

Matapos na makabili ang pulis na nagpanggap na bu-yer ng 100 gramo ng shabu mula sa mga suspek ay dito na sila agad inaresto ng mga otoridad.

Bukod sa 100 gramo, nakumpiska pa ng mga pulis ang 250 gramo ng shabu sa mga suspek. Tinatayang nagkakahalaga ng P2.4 mil­yon ang kabuuang halaga ng naturang nakumpiskang droga.

Bukod dito, nakumpis­ka rin ng mga otoridad sa mga suspek ang dala­wang kalibre .45 baril, isang dark gray na kot­seng Mazda (ZHT 933) at boodle money na nagkakahalaga ng P680,000 na ginamit sa buy-bust.

Nabatid din na nahaharap si Arnaiz sa ‘standing warrant of arrest’ para sa kasong Murder sa Quezon City Regional Trial Court Branch 85.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang mga naarestong suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with