^

Metro

Rider na nakabundol sa lola, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rider na nakabundol  sa lola, arestado
Dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police si Rodolfo Perez, 23, sa tinutuluyang bahay sa No. 288 Apolonia St., Brgy. Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.

Kahit nagbayad ng P40-k

MANILA, Philippines — Sa kulungan pa rin ang bagsak ng isang rider na nakabundol at nakapatay sa isang senior citizen nang ihain sa kanya ang ‘warrant of arrest’ kahit na binayaran na umano niya ng P40,000 ang pamilya ng kanyang biktima sa Valenzuela City.

Dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police si Rodolfo Perez, 23, sa tinutuluyang bahay sa No. 288 Apolonia St., Brgy. Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.

Hindi na siya nakapalag nang ihain sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest sa kasong “Homicide through Reckless Imprudence” na inilabas ni Judge Marita Iris Lagun ng Valenzuela Metropolitan Trial Court branch 109.

Sa rekord ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, nabundol ng motorsiklo ng suspek ang senior citizen na si Nilda Ampongan, 62, noong Pebrero 14, 2018 sa harap ng palengke sa Barangay Gen. T. De Leon, ng nasabing lungsod.

Binawian ng buhay ang biktima kaya kinasuhan ang suspek hanggang sa maging wanted. Ngunit ayon kay Perez, binayaran na umano niya ng P40,000  ang anak ng kanyang biktima bilang areglo sa kaso kaya nagtataka siya nang dumating ang mga pulis para arestuhin siya.

Iginiit pa niya na hindi umano siya nakakatanggap ng subpoena buhat sa korte kaya hindi siya nakakadalo sa mga pagdinig hanggang sa madakip na lamang siya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with